^

Community PlanTREE, inilunsad ng DENR

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gumawa na rin ng sariling bersyon ng Community pantry ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Pero kung ang mga community pantry ay namimigay ng mga gulay, bigas, noodles, delata at iba pa, mga Punong kahoy, buto ng prutas at mga gulay naman ang pinamimigay dito ng DENR.

Ang naturang proyekto ay tinawag ng DENR na community planTREE na ang layunin ay magtanim ng puno at mga gulay ang mamamayan kahit nasa panahon ng pandemya ang bansa.

Sabi ni Lemuel Tolosa, Forester 1 ng DENR NCR, bawat indibidwal ay maaaring kumuha ng hanggang limang sedd­ling o pananim.

Pero sa napansin ng DENR na  walang halos kumukuha ng seedling kung kaya’t naisip ng DENR na nais lamang ng mga tao ang kumain ngunit ayaw namang  magtanim.

Bukas ang commu­nity planTREE mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon na matatagpuan sa North Avenue Quezon City. Ginawa ng DENR ang proyektong ito kasabay ng paggunita sa selebrasyon ng Earth Day kahapon.

DENR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with