Terror group hirap nang makapasok sa southern backdoor – AFP
MANILA, Philippines — Mahihirapan nang makapasok sa bansa ang mga banyagang te-rorista gamit ang southern backdoor.
Ito ang sinabi ni AFP Chief Gen. Cirilito Sobejana dahil sa pinalakas na security defense posture na ipinatutupad sa tri-boundary ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia.
”Meron na tayong magandang mechanism, maganda na yung security posture natin diyan sa ating tri-boundary with Malay- sia and Indonesia sa south so wala na tayong namomonitor,” ani Sobejana.
Sinabi ni Sobejana na wala rin silang namonitor na presensiya ng mga foreign terrorist sa Sulu.
Kamakailan, napatay ng mga sundalong army ang Egyptian suicide bomber sa kanilang la-test military operations na matagal nang pinagha-hanap ng militar.
Indikasyon lamang ito na tuluy-tuloy ang operasyon ng militar sa kabila ng monitoring sa West Philippine Sea.
Binabantayan din ng militar ang mga Pinoy ASG members na naengganyong maging suicide bombers sa Sulu.
Patuloy ang ginagawang pagtugis ng 11th Infantry Division at Joint Task Force Sulu sa mga teroristang Abu Sayyaf sa probinsiya.
Una ng Sinabi ni JTF Sulu Commander MGen. William Gonzales, naputol na ang financial support ng Abu Sayyaf sa International Foreign Terrorist kaya hirap ang ASG ngayon sa resources.
Sa Central Mindanao patuloy ang pagtugis sa Singaporean terrorist na si Muhamad Ali Abdul Rahiman alias Muawiyah.
Si Muawiyah ay kasama ni Zulkifli Bin Hir alias Marwan na napatay ng mga miyembro ng PNP SAF sa Mamasapano, Maguindanao.
- Latest