^
Paggamit ng AstraZeneca puwede na ulit â FDA
Noong nakalipas na linggo lang nang suspendihin ng Department of Health (DOH) sa rekomendasyon ng FDA, ang paggamit ng nasabing bakuna laban sa COVID-19 sa mga may edad na mas mababa sa 60.
AFP/Joel Saget

Paggamit ng AstraZeneca puwede na ulit – FDA

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatutuloy na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng AstraZeneca sa pagbabakuna sa bansa matapos makita sa mga ulat na bibihira lang ang mga kaso ng blood clot sa ibang bansa.

Noong nakalipas na linggo lang nang suspendihin ng Department of Health (DOH) sa rekomendasyon ng  FDA, ang paggamit ng nasabing bakuna laban sa COVID-19 sa mga may edad na mas mababa sa 60.

Gayunman, nakatanggap ang FDA ng “unanimous” recommendations mula sa World Health Organization at sa mga eksperto sa bansa na mas mahigit ang makukuhang benepisyo kumpara sa mga idudulot na panganib ng AstraZeneca, ayon kay FDA director general Eric Domingo.

Bukod pa rito, sa Pilipinas ay wala pang napaulat na pangyayaring may pamumuo ng dugo matapos bakunahan ng AstraZeneca.

Aniya, sumulat siya kay Health Secretary Francisco Duque III na irekomenda muli ang paggamit ng naturang bakuna.

Ang Pilpinas ay nakatanggap ng 525,600 AstraZeneca doses na halos naubos na, at ang susunod na paparating ay sa Mayo.

Sinovac at AstraZeneca pa lang mayroon ang ban­sa na ginagamit sa pagbabakuna.

FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with