Sinovac donations 'pampakalma' sa Chinese militia issue sa Julian Felipe Reef — Carpio
MANILA, Philippines — Parte ng pampahupa ng tensyong dulot ng daan-daang "maritime militia ships" ng Tsina sa West Philippine Sea ang mga bagong coronavirus disease (COVID-19) vaccines ng state-owned Sinovac, pagpapalagay ng isang retiradong associate justice ng Korte Suprema.
Ika-7 ng Marso nang mamataan ng gobyerno ang nasa 220 barkong milisiya ng Tsina sa Julian Felipe Reef, bagay na bumaba na raw sa 183 vessels ani AFP Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana nitong Martes.
The Armed Forces of the Philippines sighted 183 vessels around the Julian Felipe Reef in the West Philippine Sea. AFP Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana says they are believed to be Chinese maritime militia and is assessing the situation with the NTF-WPS.
— ONE News PH (@onenewsph) March 23, 2021
????AFP pic.twitter.com/AS9xlcYBxD
Sinundan naman ito ng pagdating ng 400,000 CoronaVac doses ng Sinovac ngayong araw, bagay na masusundan pa ng 1 milyon pagsapit ng ika-29 ng Marso. Bago ito, una nang dumating ang 600,000 doses ng gamot sa bansa.
Basahin: Philippines receives 400K more donated Sinovac doses
Kaugnay na balita: Pilipinas iprinotesta ang 220 Chinese militia ships sa West Philippine Sea reef
"It's possible that China is encroaching on our maritime zone but softening it by sending us vaccines, by donating to us vaccines. It's part of their PR effort to soften the blow but we should not fall for that," ani dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa panayam ng ANC, Miyerkules.
"Our maritime zones are important. They are vital for our survival.l We could get that vaccines from other sources. We don't have to rely on China." Aniya, tila public relations stunt lang ito para ma-appease ang publiko.
Matatagpuan ang Julian Felipe Reef 175 nautical miles kanluran ng Bataraza, Palawan — pasok sa 200 nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ang "panghihimasok" ay nangyayari ngayong may bagong surge ng COVID-19 cases sa Pilipinas, bagay na tumalon na sa 677,653 matapos ang sunud-sunod na record-high increases nitong mga nagdaang araw.
Maritime patrol tuloy-tuloy
Una nang sinabi ni Sobejana na tuloy-tuloy naman ang kanilang mandato na tiyakin ang teritoryo at soberanyang karapatan ng Pilipinas sa EEZ nito habang pinapalagan ang anumang uri ng "incursion sa territorial waters at EEZ."
"For now, tul0y-tuloy 'yung ating maritime patrol para ma-check natin kung may dagdag o nagbabawas 'yung number of vessels diyan sa West Philippine Sea," wika ng hepe ng militar.
Una nang itinanggi ng Embahada ng Tsina sa Maynila na merong Chinese militia ships sa naturang lugar. Aniya, ilang taon nang may Chinese "fishing vessels" sa areas at sumisilong lang daw sa Niu’e Jiao (Julian Felipe Reef) ang mga mangingisda tuwing masama ang panahon. Iginigiit pa rin ng Tsina na parte ito ng Nansha Qundao (Spratly Islands), bagay na pinag-aagawan din ng Maynila at Beijing.
Kaugnay na balita: 'Ha? Wala kaya': Chinese Embassy itinanggi militia ships sa West Phl Sea reef
"There is no Chinese Maritime Militia as alleged. Any speculation in such helps nothing but causes unnecessary irritation," ayon sa tagapagalita ng embahada.
"It is hoped that the situation could be handled in an objective and rational manner."
Iniuugnay naman ngayon ni Carpio ang bagong insidente sa pagokupa ng Tsina sa Mischief Reef noong 1995: "They started saying they just built fisherman shelter on Mischief Reef. Now Mischief Reef is an air and naval base. They call it their Pearl Harbor in the South China Sea," ani Carpio. — James Relativo at may mga ulat mula kay Patricia Lourdes Viray
- Latest