^

Bansa

'Highest ever': 7,103 new COVID-19 cases sa bansa inulat ng DOH ngayong araw lang

Philstar.com
'Highest ever': 7,103 new COVID-19 cases sa bansa inulat ng DOH ngayong araw lang
Sinisita ng pulis na ito ang isang lalaki matapos hindi magsuot ng face shield sa Lungsod ng Pasay, ika-16 ng Marso, 2021, bagay na nasa istriktong quarantin laban sa COVID-19
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,103 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Biyernes, dahilan para tumalon sa kabuuang 648,066.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 648,066
  • nagpapagaling pa: 73,264, o 11.3% ng total infections
  • bagong recover: 390, dahilan para maging 561,902 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 13, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 12,900

Anong bago ngayong araw?

  • Ngayong araw ang pinakamalaking bilang ng bagong COVID-19 cases na inulat sa iisang araw lang sa kasaysayan ng Pilipinas. Nalagpasan na nito ang single-day record na 6,958 noong ika-10 ng Agosto, 2020
     
  • Inaprubahan na ang emergency use authorization (EUA) ng Sputnik V vaccine ng Russian manufacturer na Gamaleya, pagkukumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo kanina.

    Dahil diyan, maaari naitong iturok sa mga Pilipino oras na makarating ang mga anti-COVID-19 vaccines ng mga Ruso sa Pilipinas. Aniya ligtas ito sa mga senior citizens ngunit hindi para sa 17-anyos pababa.
     
  • Kaugnay niyan, iginiit ng FDA na bawal munang gamitin ang CoronaVac vaccine ng kumpanyang Sinovac sa mga edad 60-anyos pataas hangga't wala pang mga datos na makapagpapatunay na okay ito sa matatanda. Una na kasing sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na "suportado" ng Palasyo ang rekomendasyong ibigay ito sa seniors kahit na nagbabala na tungkol diyan ang FDA.
     
  • Isasara muna ang punong tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Lungsod ng Pasig para magbigay daan sa disinfection at contact tracing activity. Magtatagal ito hanggang ika-24 ng Marso.
     
  • Samantala, kinumpirma naman ni Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na isususpundi muna ng kanilang lungsod ang ilang mga aktibidad gaya ng penitensya, Visita Iglesia atbp. kaugnay ng Semana Santa simula ika-29 ng Marso. Aniya, gagawin ito para maiwasan ang mga pagtitipon na pwedeng maging COVID-19 "superspreader." 
     
  • Umaabot na sa halos 120.91 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, mahigit 2.7 milyon na ang patay. 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with