^

Bansa

Penitensya atbp. bawal muna sa Maynila sa Holy Week; COVID-19 sumisipa

James Relativo - Philstar.com
Penitensya atbp. bawal muna sa Maynila sa Holy Week; COVID-19 sumisipa
Kuha ng mga nagpepenitensya noong Biyernes Santo sa Daet, Camarines Norte, ika-19 ng Abril, 2019
PSN/James Relativo, File

MANILA, Philippines — Pagbabawalan muna sa Lungsod ng Maynila ang sari-saring aktibidad ngayong Semana Santa dahil na rin sa muling pagsipa sa bilang ng coronavirus disease (COVID-19) sa kabisera ng Pilipinas.

Ito ang ipinag-alam ng lokal na pamahalaan sa media ngayong araw lao na't magsisimula na ito pagsapit ng ika-29 ng Marso, bagay na ginugunita nang maraming Katoliko.

  • Mga sususpendihin: Sakop ng suspensyon ang mga ritwal at kostumbre gaya na lang ng penitensya, Visita Iglesia at caridad. Posible raw kasing maging "super spreader" events ang mga pagtitipon.

"Ang importante sa Semana Santa, 'yung relasyon natin sa Diyos sa panahon kung saan siya nagbayad ng dugo para sa ating mga kasalanan. Magnilay-nilay tayo," ani Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

Manila hospitals nahihirapan

Dadag ng alkalde, hindi na afford ng lungsod na lalo pang mabagahe ang sumusunod na anim na pagamutan dahil sa COVID-19 ngayon:

  • Ospital ng Sampaloc
  • Sta. Ana Hospital
  • Ospital ng Maynila
  • Gat Andres Bonifacio Medical Center
  • Justice Abad Santos Memorial Medical Hospital
  • Ospital ng Tondo

Ayon sa Department of Health (DOH), umabot na sa 3,826 ang COVID-19 cases ng Maynila sa nakaraang 14 araw. Maynila rin ang ikalawa sa may pinakamaraming total COVID-19 cases simula 2020 sa bilang na 34,640.

Quarantine para sa lockdown violators

Kaugnay ng bagong spikes sa COVID-19 cases sa Pilipinas, na umaabot na sa 640,984, nagpapatupad ng mga bagong lockdowns sa Lungsod ng Maynila. Magtatagal ito ng apat na araw: 

  • Barangay 185 Zone 16 (Tondo 2)
  • Barangay 374 Zone 38 (Sta. Cruz)
  • Barangay 521 Zone 52 (Sampaloc)
  • Barangay 628 Zone 63 (Sta. Mesa)
  • Barangay 675 Zone 74 (Paco)
  • Barangay 847 Zone 92 (Pandacan)

"If you violate the lockdown we put you in a quarantine facility and you need to be tested. Maraming nag-violate sa first day but as we progressed nabawasan na nang nabawasan. Malaki yung ibinaba," dagdag ni Domagoso.

"Mabigat sa loob ko 'yung hirap na inaabot ng tao sa lockdown. But we are sure about our rules. Ganun din sa violators ng curfew."

  • 'Negatibong epekto ng lockdown': Kahit kayang pabagalin ang COVID-19 transmission, una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na maaaring may masamang impact ang nabanggit: "Such measures disproportionately affect disadvantaged groups, including people in poverty, migrants, internally displaced people and refugees, who most often live in overcrowded and under resourced settings, and depend on daily labour for subsistence." 

vuukle comment

FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with