^

Bansa

‘Time-out’ ng health workers ‘di napapanahon - DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Time-out� ng health workers �di napapanahon - DOH
Iginiit ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na nasa “manageable level” pa rin ang sitwasyon sa mga ospital kahit na tumaas ang admisyon ng mga pasyente.
Miguel De Guzman/File

MANILA, Philippines — Hindi pa napapanahon para huminging muli ng ‘time-out’ ang mga healthcare wor­kers sa bansa dahil makakaya pa naman umano ang sitwasyon sa kabila ng muling pagtaas ng bilang ng dinadapuan ng COVID-19.

Iginiit ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na nasa “manageable level” pa rin ang sitwasyon sa mga ospital kahit na tumaas ang admisyon ng mga pasyente.

“When we went around nakita natin dumadami po talaga ang mga tao sa ER (emergency room), ang may mga sintomas ng COVID. Pero to say that the system is overwhelmed? No,” paliwanag ni Vergeire.

Sa kanilang pag-iikot, marami sa mga ospital ay nasa 50 porsyento pa ang avai­lable na COVID-beds para sa mga bagong pasyente.

Kung darating naman umano ang punto na kakailanganin muli na magpahinga ang mga healthcare workers para hindi naman sila ang magkasakit o bumigay ay irerekomenda naman ito ng DOH sa pamahalaan.

Sa kasalukuyan, wala pa umanong ebidensya na ang mga new variants ang dahilan ng pagsirit sa mga bagong kaso ng COVID-19. Tanging nakikita nila ngayon ay ang pagpapabaya ng publiko sa ‘safety protocols’ kaya tumaas ang bilang ng mga kaso.

vuukle comment

HEALTH WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with