^

Bansa

Dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas lumobo na sa 582,223

Philstar.com
Dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas lumobo na sa 582,223
Ipinakikita ng military health worker na ito ang Sinovac Covid-19 vaccine kasabay ng kanilang vaccination operations sa mga kasundaluhan, ika-2 ng Marso, 2021
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Ini-report ng Department of Health (DOH) ang nasa 1,783 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong MIyerkules, dahilan para pataasin nito ang kabuuang bilang ng nadali ng nakamamatay na sakit sa 582,223.

Nasa 35,056 diyan ang nananatiling na "aktibong kaso" pa rin hanggang sa ngayon, o yaong mga hindi pa gumagaling o namamatay sa virus.

Nasa 20 lang ang naiulat na bagong pumanaw sa datos ngayong araw dahil sa COVID-19. Sumatutal, pinatalon niyan ang local deaths patungong 12,389. Ligtas naman na sa karamdaman ang nasa 534,778 na dati'y nadali ng pathogen.

Anong bago ngayong araw?

  • Kanina lang nang kumpirmahin ni presidential spokesperson Harry Roque na bukas na darating ang COVID-19 vaccines ng AstraZeneca sa Pilipinas. Sa kabila niyan, ayaw pang magsalita nang tapos ni vaccine Czar Carlito Galvez Jr.: "I cannot confirm yet. Dalawang beses na kaming nakuryente diyan. Mabuti i-confirm pag may plane nang lumipad from Belgium," sabi niya sa ulat ng ABS-CBN.
  • Kaugnay niyan, tinataya ngayon ni Galvez na sa katapusan ng Abril o maagang yugto ng Mayo pa magsisimula ang COVID-19 vaccination para sa general public at iba pang nasa priority list. Sa ngayon kasi, tanging healthcare workers at kasundaluhan pa lang ang tinuturukan ng bakuna.
  • Ipinagpapalagay naman ngayon ng OCTA Research Group na may kinalaman na ang mas nakahahawang United Kingdom at South African variant ng COVID-19 sa biglaang pagtaas ng mga kaso sa Metro Manila. Sa kabila niyan, kulang pa naman daw ang ebidensiya para matiyak ito dahil sa kaonti pa lang ang genome sequencing, ani Dr. Guido David.
  • Inanunsyo naman ni Food and Drug Administration director general Eric Domingo na hindi pa nila masuri ang aplikasyon ng Chinese firm na Sinopharm para sa emergency use authority ng kanilang bakuna sa Pilipinas. Aniya, kulang-kulang pa kasi ang mga dokumentong isinusumite ng kumpanya sa FDA.
  • Umaabot na sa mahigit 114.2 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, 2.53 milyon na ang patay. 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with