^
Galvez: COVID-19 vaccination ng publiko 'baka Abril pa magsimula'
Binibigyan ng CoronaVac vaccine ng Sinovac Biotech ang medical frontliner na ito sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital Medical Center, ika-1 ng Marso, 2021
The STAR/Mong Pintolo

Galvez: COVID-19 vaccination ng publiko 'baka Abril pa magsimula'

(Philstar.com) - March 3, 2021 - 12:29pm

MANILA, Philippines — Posibleng abutin pa nang mahigit isa hanggang dalawang buwan bago makarating ang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa karaniwang tao, pagbabahagi ni vaccine czar Carlito Galvez, Miyerkules.

'Yan ang ibinahagi ni Galvez kanina sa panayam ng ANC, habang idinidiing Abril o Mayo pa masisimulang matuturukan ang iba pang nasa priority list ng gobyerno kasama na ang iba pang Pilipino.

Sa ngayon kasi, tanging mga healthcare workers at mga sundalo pa lamang ang nakatatanggap ng 600,000 doses ng CoronaVac vaccine ng Sinovac — bagay na donasyon ng Tsina sa Pilipinas.

"Ang projection po namin ang general public, pati na ‘yung mga seniors, poor families, at saka vulnerable communities, we will start ‘yung general public inoculation late April, early May," ani Galvez.

Posible naman daw matapos ngayong buwan din mismo ang pagbabakuna sa lahat ng frontlin healthcare workers. Gayunpaman, pwedeng mausog ng Abril ang completion ng health worker inoculations ng Abril kung hindi agad dumating ang mga kinakailangang suplay.

Inaasahang madidispatsa ang unang batch ng mga bakuna ngayong linggo. Dalawang doses ang kinakailangang ibigay kada tao.

Una nang sinabi na darating ng Pilipinas ang mga unang bakuna ng AstraZeneca sa pamamagitan ng COVAX facility ngayong Marso. Bahagi ito ng minimum na 525,000 doses na dapat sana ay dumating noong ika-1 ng Marso ngunit nakaranas ito ng ilang delays dahil sa ilang "delivery issues."

Ngayong Marso din darating ang 1 milyong doses ng CoronaVac ngayong Marso, bagay na bibilhin sa Sinovac at hiwalay pa sa donasyon ng Tsina na dumating noong Linggo.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) nitong Martes, umabot na sa 580,442 katao ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na sa bilang na 'yan ang 12,369. — James Relativo

CARLITO GALVEZ COVID-19 VACCINE NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with