^

Bansa

Sure na kaya?: AstraZeneca COVID-19 vaccines 'bukas na darating,' sabi ng Palasyo

James Relativo - Philstar.com
Sure na kaya?: AstraZeneca COVID-19 vaccines 'bukas na darating,' sabi ng Palasyo
Ini-inspect ng mga customs officials ng Angola ang dumating na unang batch ng Oxford/AstraZeneca mula India, ika-2 ng Marso, 2021
AFP/Osvaldo Silva

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Palasyo na darating na bukas, Huwebes, ang mga panibagong bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) — sa pagkakataong ito, mula sa isang British-Swedish pharmaceutical company.

Ito ang ibinalita ni presidential spokesperson Harry Roque sa mga reporters, Miyerkules.

"This is to confirm that the initial shipment of AstraZeneca is set to arrive tomorrow," wika ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, aabot sa 487,200 doses ng AstraZeneca ang lalapag ng Pilipinas pagsapit ng 7:30 p.m. bukas, bagay na kumakatawan sa unang round ng shipment mula sa COVAX facility.

Hindi pa naman kinukumpirma ng Department of Health (DOH) at ni vaccine czar Carlito Galvez sa media kung bukas na talaga ito darating.

"I cannot confirm yet. Dalawang beses na kaming nakuryente diyan. Mabuti i-confirm pag may plane nang lumipad from Belgium," ani Galvez sa ulat ng ABS-CBN.

Matatandaang dapat ay ika-1 ng Marso darating ang unang batch ng AstraZeneca vaccines sa pamamagitan ng COVAX facility, bagay na na-delay dahil sa ilang isyu ng delivery.

Una nang pumirma ang Pilipinas ng deal kasama ang AstraZeneca nitong Enero 2021 para makabili ng mahigit-kumulang 17 milyong doses ng bakuna. Hiwalay na transaksyon ito sa parating mula sa COVAX facility.

Basahin: Philippine gov't, private firms secure 17M doses of AstraZeneca vaccine

Hindi mabisa vs. 'South African variant'?

Sa kabila ng posibleng pagdating ng AstraZeneca vaccines bukas, nagbabala ang OCTA Research Fellow na si Fr. Nicanor Austriaco na hindi ito gaano mabisa laban sa B1.351 variant ng COVID-19, na nakita na sa anim na Pilipino kahapon ayon sa DOH.

Ang B1.351 variant ay isang uri ng COVID-19 na unang nadiskubre sa South Africa.

Basahin: New COVID-19 variant na 'may epekto sa bisa ng bakuna' nasa bansa na

"The most concerning thing about the B1.351 variant is that the B1.351 variant can resist the AstraZeneca Vaccine," ani Austriaco kanina sa isang press briefing.

"The efficacy of the AstraZeneca vaccine against B1.351 dramatically decreases from 70% to 10%."

Ang naturang datos ay kanila raw nakuha mula sa isang pag-aaral abroad na nailathala nito lamang Pebrero 2021.

"Basically, South Africa decided to abandon the AstraZeneca vaccines because it was no different from injecting water into the patients. With 10% protection, basically most people would still be able to get mild and moderate COVID-19," patuloy ni Austriaco.

"This is the concern. If we do not eliminate the B1.351 variant in the Philippines which was first identified yesterday in Pasay, the 17 million doses of AstraZeneca that we have already bought... will be ineffective against fighting against this partical variant from South Africa."

Binanggit din ng researcher na tatlong doses ng gamot ang kakailanganing gamitin para maging epektibo laban sa variant. Karaniwa'y dalawang doses lang ang kinakailangan. 

Aniya, kung tutuusin ay mas magiging mabisa pa ang CoronaVac vaccine ng Sinovac laban sa South African variant.

Sa huling datos ng DOH, umabot na sa 580,442 ang tinamaan ng COVID-19 nitong Martes. Sa bilang na 'yan, patay na ang 12,369. — may mga ulat mula kina The STAR/Alexis Romero at News5/Greg Gregorio

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with