Telcos kinilala sa pagsisikap na maitaas ang internet sa bansa
MANILA, Philippines — Kinilala ng pamahalaan ang ginagawang pagsisikap ng mga telco industry sa bansa para mas mapagbuti ang serbisyo sa publiko na nagresulta na ng mas maaasahan na internet service.
Ayon sa mga opisyal ng telcos, malaking hakbang na ang nagawa nila sa pagsaayos ng kanilang network at internet services. Libu-libong bagong signal towers na ang naipatayo makaraang makaluwag ang pagkuha nila ng permits lalo na sa mga lokal na pamahalaan.
Inaasahan naman na tataas na rin ang kapabilidad ng 5G network sa bansa na aabot na sa 80 porsyento ng Metro Ma-nila ngayong 2021.
Kinilala naman ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang mga hakbang na ito ng mga telco industry. Ibinase rin niya ito sa November 2020 report ng Ookla - isang independent analytics company, na umaabot na ang average download speed sa bansa sa 28.69Mbps para sa fixed broadband at 18.49Mbps sa mobile.
Tiniyak ni Cordoba sa publiko na patuloy ang pagpapabuti sa serbisyo ng network sa bansa at ngayong unang quarter ng 2021 ay mararamdaman na ito ng kanilang customers.
- Latest