^
DOH sa IATF: Paglabas ng 10-anyos âwag muna
“Pero sa ngayon na lumalabas na itong va­riant ay nandito, nakaapekto rin sa 3 kabataan dito sa mga kaso sa ngayon, ang amin pong iniisip baka sakali ay makapagrekomenda tayo na maaari muna tayong hindi magpatupad ng pagpapalabas ng mga bata to prevent more infections,” ani DOH Usec. Rosario Vergeire.
The STAR/Edd Gumban, File

DOH sa IATF: Paglabas ng 10-anyos ‘wag muna

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Irerekomenda ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na huwag munang ipatupad ang pagpapalabas sa mga batang edad 10-anyos.

“Pero sa ngayon na lumalabas na itong va­riant ay nandito, nakaapekto rin sa 3 kabataan dito sa mga kaso sa ngayon, ang amin pong iniisip baka sakali ay makapagrekomenda tayo na maaari muna tayong hindi magpatupad ng pagpapalabas ng mga bata to prevent more infections,” ani DOH Usec. Rosario Vergeire.

“Nevertheless, tayo po ay makikinig sa kung anumang desisyon ng IATF na ibibigay sa atin,” dagdag ni Vergeire.

“Itong mga trends na nakikita natin na tumataas ang mga kaso, at lalo na ngayon may va­riant and this variant can increase the transmissibility, ang sinasabi ko po, kung mas maiiwasan natin ang paglabas, especially if we have expanded the ages, sana po ay mas mapag-isipan natin ito nang mas mabuti. ‘Yan po ang mapag-uusapan sa susunod na IATF mee­ting,” ani pa ni Vergeire.

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with