Show cause order vs child pornography, inilabas
MANILA, Philippines — Naglabas ng show cause order ang Natio-nal Telecommunications Commission (NTC) para sa mga internet service providers (ISPs) upang magpaliwanag sa patuloy na paglaganap ng child pornography.
Ang SCO ay dahil sa hindi pa rin umano nagkakabit ng angkop na teknolohiya, software o program ang mga ISPs para maharang ang mga porn websites makaraan mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mag-utos sa NTC na patawan ng parusa ang mga ISPs.
Bukod sa ‘written explanation’, pinadadalo rin sa mga pagdinig ang mga kinatawan ng mahigit 500 ISPs sa bansa simula sa Pebrero upang hindi sila mapatawan ng ‘administrative sanction.’
Ayon naman sa ISPs, aabot na sa 3,000 domains na may laman na pag-abuso sa mga bata ang kanilang na-block upang hindi na ma-access ng mga internet users sa bansa.
Sa kabila na kaya nilang harangin ang access sa mga websites na ito, kailangan din ng tulong ng pamahalaan sa pagdakip sa mga kriminal na gumagamit ng internet sa pag-abuso sa mga bata para tuluyan na itong matigil.
Isang teknolohiya na rin ang kanilang dinidebelop para otomatikong matutukoy ang anumang ‘child pornography content’ at mahaharang o hindi maa-access ang isang website kahit na lehitimo ito.
- Latest