COVID-19 cases sa Pilipinas 421,722 na habang local fatalities nasa 8,185
Nakatitig sa mga dekorasyong pang-Pasko ang mga mamimili at tinderang ito, ika-32 ng Agosto, 2020
The STAR/Boy Santos

COVID-19 cases sa Pilipinas 421,722 na habang local fatalities nasa 8,185

(Philstar.com) - November 24, 2020 - 4:14pm

MANILA, Philippines — Bagama't mas mataas lang nang bahagya sa 1,000, patuloy pa ring naitatala ang pagpasok ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa anim na araw bago magsara ang buwan ng Nobyembre.

Kasalukuyan kasing nasa 1,118 ang mga karagdagang confirmed cases ng infection sa Pilipinas ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) ngayong Martes, bagay na nagtutulak sa mga numero patungong 421,722.

Narito ang listahan ng mga lugar na nakitaang may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19:

  • Caloocan City (89)
  • Davao City (52)
  • Laguna (52)
  • Quezon (47)
  • Quezon City (46)

Gayunpaman, 11 na laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) nitong ika-23 ng Nobyembre.

Kung iaawas sa kabuuang case tally ang mga gumaling at namatay na sa COVID-19, aabot na lang sa 26,745 ang nalalabing "active cases" ng pathogen sa bansa.

Sumatutal, nasa 386,792 na ang local casualties ng virus habang 8,185 naman sa kanila ang tuluyan nang binawian ng buhay.

"Samantala ay mayroon namang naitalang 196 [bagong] gumaling at 12 na pumanaw," dagdag ng DOH sa isang pahayag.

Kanina lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na 3% ang itinataas ng COVId-19 cases sa bansa kada dalawang linggo.

Tiangge vs. online shopping

Sa paglapit naman ng Kapaskuhan, pinayuhan naman ng Kagawaran ng Kalusugan ang publiko kung paanong maiiwasan ang pagkahawa ng COVID-19 habang nakasusunod pa rin sa tradisyon ng pagbibigayan.

Aniya, alinsunod ito sa inilabas ng DOH na Department Circular 2020-0355, o mga gawaing dapat iwasan ngayong holiday season.

"Ang pagpunta sa mga masisikip na shopping centers at tiangge ay nananatiling mapanganib kaya ang ating holiday shopping ngayong taon, gawing nating online," ayon pa sa DOH.

"Ngayong darating na Pasko, ipagpatuloy ang minimum public health standards at ang pagiging BIDA Solusyon!"

Ayon sa World Health Organization (WHO), 58.42 milyon na ang nahahawaan ng nasabing sakit sa buong daigdig. Sa bilang na 'yan, halos 1.4 milyon na ang patay. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with