Binay: Marcos Holiday bill 'pagbaluktot sa kasaysayan,' pinapalagan ko
Litrato ni Sen. Nancy Binay
The STAR/Geremy Pintolo, file
Binay: Marcos Holiday bill 'pagbaluktot sa kasaysayan,' pinapalagan ko
James Relativo (Philstar.com) - October 28, 2020 - 10:55am

MANILA, Philippines — Pinasisinungalingan ng isang senador ang mga kumakalat na balitang may kamay siya sa pagkapasa ng kontrobersyal na panukalang batas na dadakila sa alala ng isang diktador at mandarambong.

Ilang media outlets kasi ang nagbalitang pumabor si Sen. Nancy Binay sa pag-endorso nito sa Senate local government committee — bagay na magdedeklara sa birthday ni Ferdinand Marcos bilang non-working holiday sa Ilocos Norte.

Basahin: Martial law survivors, progressive group hit Senate panel approval of Marcos Day bill

May kinalaman: Panukalang gawing 'holiday' ang kaarawan ni Marcos sa Ilocos Norte pasado sa Kamara

"Contrary to reports circulating online, I did not vote for the approval of House Bill No. 7137," paliwanag niya sa isang pahayag, Miyerkules nang umaga.

"I wish to reiterate that I did not vote for the approval of the bill and will not support any bill that would cause historical revisionism."

Ika-2 ng Setyembre nang pumasa ang panukala sa ikatlo at huling pagdinig sa Kamara, kahit na 34,000 ang tinorture, 3,200 ang pinatay at mahigit 70,000 ang ikinulong sa ilalim ng Martial Law ni Marcos mula 1972 hanggang 1981, ayon sa tala ng Amnesty International.

Dahil dito, kailangan naman nitong bunuin ang pagsisiyasat ng Senado hanggang third reading, bago mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte — na kilalang idolo si Marcos.

Kung lulusot ito, magiging piyesta opisyal na sa Ilocos Norte ang ika-11 ng Setyembre taun-taon.

"I had to leave the hybrid hearing of the Senate committee on local government after the discussion on the re-districting of the province of Bulacan due to a prior commitment," ani Binay, na anak ni dating Bise Presidente Jejomar Binay, isa sa mga abugado na humarap at lumaban sa diktaduryang Marcos.

"Thus I was no longer a part of the hearing when House Bill No. 7137 was tackled and discussed."

Ilan sa mga orihinal na proponents ng Marcos Day bill sa Kamara sina Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba, Ilocos Norte Rep. Christina Fariñas at Probisyano Ako party-list Rep. Rudys Caesar "Baby Boy" Fariñas.

'Nasa COVID-19 tayo, Marcos Day ang aatupagin?'

Dalawang araw na ang nakalilipas nang banatan din ni Sen. Francis "Kiko" Pangilinan ang pag-usad ng panukala sa Senado, lalo na't nasa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic ang Pilipinas — na ikinamatay na ng 7,053.

"[W]hy is this being pushed when the country is in the middle of a calamity brought about by the pandemic?" ani Pangilinan, na kilalang chairperson ng UP Diliman Student Council at aktibista noong 1986.

Patuloy niya, kinilala ng Konggreso ang talamak na pang-aabuso ng rehimeng Marcos nang mamahagi ito ng P10 bilyon bilang danyos-perwisyos sa libu-libong biktima nito.

Ang mga nasabing danyos ay nagmula sa mga nabawing nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

"The amount of P10 billion was declared as ill-gotten by no less than our Supreme Court. It would be inappropriate to honor a tyrant and a thief," wika ni Pangilinan.

ACTIVISM FERDINAND MARCOS FRANCIS PANGILINAN HUMAN RIGHTS ILOCOS NORTE MARTIAL LAW NANCY BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with