GCQ sa Metro Manila hanggang Oktubre 31, hirit
Ayon kay Dr. Tony Leachon, dating adviser ng pandemic task force ng gobyerno, ang bilang ng mga taong infected ng coronavirus ay nasa .82 sa buong bansa at .73 sa Metro.
STAR/Miguel De Guzman, file
GCQ sa Metro Manila hanggang Oktubre 31, hirit
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

Para mas ‘merry’ ang Christmas

MANILA, Philippines — Para mas maging “merry” ang Christmas, hinikayat ng ilang eksperto ang gobyerno na panatilihin sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila hanggang Oktubre 31.

Ayon kay Dr. Tony Leachon, dating adviser ng pandemic task force ng gobyerno, ang bilang ng mga taong infected ng coronavirus ay nasa .82 sa buong bansa at .73 sa Metro.

Ang nasabing bilang ay mas mababa sa ideal na bilang 1 kaya nanga­ngahulugan ito na ang virus ay malapit nang mawala, bagama’t mataas pa rin ang bilang ng mga nagpopositibo dito.

Sa datos ng Department of Health (DOH), umaabot sa 3,000 kada araw ang bagong kaso ng COVID-19.

Paliwanag pa ni Lea­chon na magiging problema sa pagdiriwang ng Pasko ang pagdami ng mga sasakyan at maraming tao ang mamamasyal kaya ngayon pa lang ay mas maganda na i-control ito.

Para habang nagsasaya ang tao sa Kapaskuhan ay mayroon ng “sandbag” na tinatawag at mailatag na ito ngayon.

Kung luluwagan na umano ngayon ang qua­rantine at papayagan ang mga aktibidad na may kinalaman sa ekonomiya at biglang maglabasan ang mga Filipino ay tiyak umanong tataas ang kaso ng COVID-19 at aabot ito hanggang sa panahon ng Pasko.

Bukod kay Leachon, pabor din ang mga Metro Mayors na sumailalim muna sa GCQ ang MM hanggang Oktubre 31 gayundin si Dr. Benjie Co at ang UP OCTA Research Group.

Habang isinusulat ito, nakikipagpulong na ang mga Metro mayors sa Inter-Agency Task Force kaugnay ng kanilang rekomendasyon na GCQ sa Metro Manila.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with