Pagtapyas ng P816 milyon sa social pension ng DSWD binira
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binanatan kahapon ni Sen. Leila de Lima ang ginawang pagbawas ng Department of Budget and Management (DBM) ng P816.065 milyon sa Social Pension (SocPen) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang hakbang ay makakaapekto sa 91,000 mahihirap na senior citizens na nasa “wait-listed” beneficiaries ng DSWD.

Para kay de Lima, iniwan ng gobyeno sa ere ang mga senior citizens na hindi makakatanggap ng pension.

Ayon kay de Lima, mas binibigyang prayoridad ng gobyerno ang mga paboritong ahensiya ng gobyerno na tumaas pa ang budget habang nagiging bulag sa kalagayan ng mga senior citizens.

Dapat aniya’y bawasan ang bilyon-bilyong confidential at intelligence funds ng Pangulo at bahaginan ang mga mahihirap na senior citizens.

DSWD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with