_ngayon
^
75% ng mga Pinoy suportado ang pagbabalik-ere ng ABS-CBN
Sa nasabi pa ring survey mula July 3-6, 13% lamang ng mga respondents ang nagsabing hindi na kailangang bigyan ng panibagong prangkisa ang giant network at 10% naman ang nananatiling undecided.
The STAR/Miguel de Guzman, fil

75% ng mga Pinoy suportado ang pagbabalik-ere ng ABS-CBN

(Pilipino Star Ngayon) - July 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlo sa apat na Pinoy ang gustong maibalik sa ere ang ABS-CBN sa pamamagitan ng bagong prangkisa na hinarang ng 70 kongresista sa Mababang Kapulungan.

Base ito sa datos na lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na pinanghahawakang pundasyon ngayon ng anim na miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara na humihiling na payagang pagbotohan sa plenaryo ang desisyon.

Sa nasabi pa ring survey mula July 3-6, 13% lamang ng mga respondents ang nagsabing hindi na kailangang bigyan ng panibagong prangkisa ang giant network at 10% naman ang nananatiling undecided.

Ayon kay Rep. Carlos Zarate ng Bayan Muna at isa sa miyembro ng grupo, hiniling niya sa chairman ng legislative franchises committee na isumite ang desisyon sa 305-member ng House plenary upang maratipikahan sa lalong madaling panahon.

Kung pagbabasehan ang survey, lumilitaw na 75% ng mga Pilipino ang nagnanais na bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Aniya, kung kuwestiyonable ang resulta ng survey para sa ilang miyembro ng komite, maaaring maresolba ito sa plenaryo upang  mabatid kung papabor ba ang desisyon ng buong kapulungan sa tinig ng mamamayan.

Sinabi pa ni Zarate na marami sa 305 kongresista ang pabor na pagdebatehan sa plenaryo ang naging desisyon ng komite sa pangunguna nina Reps. Vilma Santos-Recto, Edcel Lagman at Lito Atienza.

Posible namang maisakatuparan ang kahilingang ito ng mga mambabatas, sapagkat mismong si House Speaker Alan Peter Cayetano na ang nagsabing, bagaman hindi pa nangyari na isumite sa plenaryo ang isang committee decision, maaari pa rin itong isagawa dahil may kapangyarihan ang plenaryo na ipatupad ito.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with