Namatay sa COVID-19 puwede nang ilibing – DOH
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari nang maili­bing ang mga pasyenteng namatay dahil sa COVID-19 makaraan na hindi na makayanan ng mga crematorium ang pagdagsa ng mga labi na isinasailalim sa cremation.

Inihayag ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos na bahagyang tumaas ang death toll sa mga pasyenteng tinamaan ng virus.

Una nang naglabas ang pamahalaan ng panuntunan na kailangang mai-cremate ang mga bangkay ng mga nasa­wing pasyente sa loob ng 12 oras.

Ngunit dahil sa pagdami ng mga nasasawi, nagkakaroon na ng ma­habang pila sa mga crematorium na kaya lamang magsagawa ng hanggang walong cremation kada araw.

Bukod pa dito na nagkakaubusan na rin umano ng suplay ng urn na pinaglalagyan ng abo ng nasawi.

Ngunit para maipatupad ang paglilibing, nagbigay ng ilang kondisyon ang DOH.

Dapat ay ‘double-sealed’ ang bag habang ang ataul ay selyado rin.

“Kailangan kapag isi­nara na natin at na-seal na ang ating individuals, hindi na ‘yan puwedeng buksan kahit kailan,” ani Vergeire.

Kapag tuluyang na­ilibing na, iginiit ni Vergeire na hindi na ito maaaring hukayin pa kahit na ano pa ang dahilan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with