Ang 361 pasyente ay mula sa iba’t ibang ospital sa bansa.
The STAR/Miguel de Guzman
361 COVID-19 patients lalahok sa solidarity trial ng WHO
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — May 361 pasyente na may COVID-19 ang lalahok sa gagawing solida­rity trial ng World Health Organizations na naglalayong makatuklas ng gamot panlaban sa virus.

Ang 361 pasyente ay mula sa iba’t ibang ospital sa bansa.

Ang pagsali ng Pilipinas sa solidarity trial ay nakapaloob sa  ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso bagaman at tapos na ang Bayanihan to Heal as One Act kung saan kailangang magsumite ng report ng Pangulo.

Naglaan ang gobyerno ng nasa P29.99 mil­yon para sa proyekto na tatagal ng isang taon.

Inaasahang lalahok ang nasa 500 pasyente na dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ang mga paggamit ng mga posibleng gamot laban sa virus ay ipina­tutupad ng UP-National Institute of Health.

Kabilang dito ang remdesivir, hydroxychloroquine na gamot sa malaria, HIV drugs lopinavir/ritonavir, at lopanivir/ritonavir.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with