^

Bansa

'Magtago na kayo': Duterte nagbanta sa mga aktibista, martial law inilutang

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng batas militar oras na magpatuloy diumano ang mga atake ng New People's Army (NPA) sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ), bagay na nauwi sa pasaring sa ligal na mga aktibista.

"'Pag martial law, lahat kayong mga legal fronts, magtago na kayo. 'Wag ninyo akong bolahin. Galing ako diyan," sabi niya sa isang televised speech, Biyernes.

"Kaya ngayon, 'pag nagpatuloy kayo ng lawlessness ninyo, patay dito, patay doon, and it's happening all over the Philippines, maybe I will declare martial law because kayong mga NPA, kayo ang mga numero uno."

Tinutukoy ni Digong ang aniya'y pagpatay ng NPA sa dalawang sundalo, na sumama raw sa nagdadala ng suplay at pera sa mga tao: "If that is not lawlessness, what is that?"

Hindi niya sinabi kung saang lugar nangyari ang pag-atake ngunit Martes nang gabi nang sabihin ng Army na napatay ang dalawang sundalo sa probinsya ng Aurora.

"Tapusin na natin ito sa panahon ko. I have two more years. I will try to finish all of you. Pati kayong mga legal, magtago na kayo," patuloy ni Digong.

"'Wag ninyong sabihin na put*ngina, na wala kayong... You know, you are a bullsh*t. You are the legal fronts."

Aniya, sa ligal na Kaliwa daw nanggagaling ang pera ng NPA, maliban sa pangingikil.

Ipinagmalaki pa ni Duterte na siya ang humahawak ng organisasyong pinanggalingan ng Karapatan, isang human rights group, na pinangalanan niyang Committee of Justice, Freedom and Democracy.

Sumali raw siya sa nasabing grupo dahil sa hindi niya gusto ang pamamalakad noon ng diktadura.

"Pero ang sabihin ninyo na sisirain ko ang demokrasya? Hindi. Lulutaasin ko ang demokrasya sa inyo. You made it impossible for me to move," dagdag niya.

"Kaya I am now warning everybody and putting notice sa Armed Forces pati pulis. I might declare martial law, and there will be no turning back."

Gov't ceasefire expired, NPA may tigil-putukan

Inirereklamo ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang diumano'y pagbali ng Communist Party of the Philippines-NPA sa idineklarang tigil putukan sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ilan dito ang pagkamatay ng tatlong Army troopers sa Himaymaylan City, Negros Occidental.

Sa kabila nito, ika-15 ng Abril pa expired ang ceasefire ng gobyerno laban sa NPA, bagay na hindi na raw nila palalawigin pa, ayon kay Central Command chief Lt. Gen. Roberto Ancan.

In-extend ng CPP ang bersyon nila ng tigil-putukan hanggang ika-30 ng Abril para unahin daw ang laban sa COVID-19, at mananatili sa "active defense" kung atakihin ng pamahalaan.

Sa maagang yugto ng Abril, kinundena din ng militar at Palasyo ang diumano'y raid ng 30 miyembro ng NPA sa Balangiga, Eastern Samar, kahit itinatanggi ito ng lokal na opisyal.

AFP umaatake kahit sinasabing nagre-relief?

Sa pahayag ni CPP chief information officer Marco Valbuena, Miyerkules, sinasabing nagkukunwari lang daw ang Armed Forces of the Philippines na gumagawa ng relief operations sa probinsya para umatake laban sa NPA.

"The [AFP] is using pretend Covid-19 relief work in rural communities as a cover and justification for unabated aerial bombardment and relentless counterinsurgency operations," ani Valbuena.

"In some cases, the AFP’s relief work exists only in their press releases, when what they are actually conducting are psywar operations in line with the AFP’s oppressive 'surrender' drive."

Ika-19 ng Abril nang nagsagawa raw ng aerial bombardment sa probinsya ng Saranggani, na ika-anim na pambobomba na raw ng AFP simula nang magdeklara si Duterte ng public health emergency noong ika-16 ng Marso.

Aniya, takot daw ngayon ang mga residente ng Sitio Kapanal sa Baranggay Gasi, Kiamba nang magbagsak ang mga sundalo ng hindi bababa sa apat na bomba bandang 5 a.m.

"A number of Lumad peasants were already in their farms when the bombing commenced. The bombing and strafing traumatized the community, especially the children," patuloy ni Valbuena.

Sinasakop daw ngayon ng mga tropa ng 27th IB ang lugar, habang ibinabalita ng gobyernong "relief work" ang ginagawa roon.

vuukle comment

ACTIVISTS

LEGAL LEFT

MARTIAL LAW

NATIONAL DEMOCRATIC MOVEMENT

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with