^

Bansa

National ID system gamitin sa COVID tracing

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para mapabilis ang pagtugon sa mga kalamidad at pag-trace sa mga taong pinaghihinalaang nahawa ng COVID-19, pinamamadali ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pagpapatupad ng national ID system.

Ayon kay Gatchalian, sa ibang bansa na may mababang kaso ng COVID-19 tulad ng Taiwan ay ginamit ang kanilang national ID para ma-trace ang mga tao nila na may travel history.

Kaya simula pa lamang noong Enero ay inalerto na ng kanilang National Health Insurance Administration (NHIA) at National immigration Agency ang database ng mga doktor para sa kanilang mga pasyenteng may travel history sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID.

Gayundin umano sa Singapore na ginamit ang kanilang National Registration Identity Card (NRIC) para sa pagkolekta ng impormasyon para sa contract tracing at iba pang hakbang para labanan ang COVID-19.

Giit ni Gatchalian, matagal nang naipasa ang Philippine Identification System Act sa bansa kaya napapanahon na para gamitin ito bilang tugon sa mga emergency situations tulad ng krisis na nararanasan ngayon.

Kaya dapat umanong matuto ang Pilipinas sa hakbang ng Singapore at Taiwan kung paano ginamit ang kanilang national ID para mapigilan ang coronavirus outbreak.

Ang national ID system na inaprubahan ni Pangulong Duterte noong Agosto 2018 ay naglalaman ng mga basic information ng isang tao na kinukuha ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ibibigay ng libre sa bawat Filipino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with