Ayon sa mga Facebook page ng mga Alkalde ng lalawigan at Cavite Facebook Page, 44 na ang kumpirmadong tinamaan ng virus at karamihan ay mga senior citizens.
Boy Santos/ File
COVID sa Cavite nasa 44 na
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Umabot na sa kabuuang 44 katao ang tinamaan ng COVID 19 sa lalawigan ng Cavite na ang pinakamarami ay sa lunsod ng Bacoor.

Ayon sa mga Facebook page ng mga Alkalde ng lalawigan at Cavite Facebook Page, 44 na ang kumpirmadong tinamaan ng virus at karamihan ay mga senior citizens.

Naka-admit sa iba’t- ibang pagamutan ang mga biktima at kasalukuyang inoobserbahan habang isinailalim sa mga Home Quarantine ang lahat ng mga kamag-anak, kaibigan at mga nakasalamuha ng mga ito.

Sa kabuuang tala, Bacoor ang may pinakamara­ming biktima na umabot na sa 14 kahapon, sumunod  ang Imus (12), Dasmariñas (4), Naic (4), Silang (2), Tanza, (2) at tig-isa sa Noveleta, Rosario, Gen Trias, Indang, Alfonso at Maragondon.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with