Nasa 117 pamilya ang nagsisiksikan ngayon sa St. Padre Pio National Shrine sa Santo Tomas, Batangas na isa sa mga nagsisilbing evacuation centers ng libu-libong residente na naapektuhan sa pagputok ng bulkang Taal.
Kuha ni Michael Varcas
Mga hayop na naapektuhan ng Taal, puwedeng isangla - DA
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaaring isangla ng mga magsasaka na apek­tado ng pagsabog ng Bulkang Taal ang kanilang mga alagang hayop.

Naglaan ang Agriculture Credit Policy Council (ACPC) ng Department of Agriculture (DA) ng P10 milyon para ipambayad sa sangla ng mga magsasaka.

Ang mga may-ari na magsasangla ng ala­gang hayop ay babayaran ng 50 percent ng kabuuang halaga ng market value ng kanilang alaga.

Maaari namang tubusin ng mga may-ari ang kanilang naisanglang hayop kapag balik na ito sa normal na kundisyon pero bibilhin ng kaukulang halaga ang kanilang naisanlang hayop.

Ang mga sanglang hayop ay aalagaan sa Taal Livestock Care Emergency Operations Center sa Southern Tagalog Integrated Agriculture Research Center (STIARC) sa Lipa City para doon maibalik sa normal na kundisyon ang mga hayop laluna yaong mga namayat dahil hindi nakakain ng maayos dahil naiwan ng mga may-ari sa kanilang lugar noong pumutok ang bulkan.

TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with