“Opo, tigil na iyan. Mamamatay ang lahat pag pumutok ang bulkang Taal,” pahayag ni Año sa panayam ng PNP Press Corps matapos ilunsad ang Constitutional Reform (CORE) Movement sa Multi Purpose Hall ng Camp Crame kahapon.
AFP/Ed Jones
Window hours sa Taal evacuees ipinatigil
Mer Layson, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinatigil na kahapon ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang ‘window hour’ para sa mga nagsilikas na residente sa loob ng 14 kilometer radius danger zone upang maiiwas sa nakaambang panganib mula sa bu­nganga ng nag-aalburutong Taal volcano.

“Opo, tigil na iyan. Mamamatay ang lahat pag pumutok ang bulkang Taal,” pahayag ni Año sa panayam ng PNP Press Corps matapos ilunsad ang Constitutional Reform (CORE) Movement sa Multi Purpose Hall ng Camp Crame kahapon.

Sinabi ng Kalihim na una na niyang pinahintulutan ang mga Local Government Unit na ipa­tupad ang apat na oras na window hours upang mabigyan ng pagkaka­taon ang mga residente sa danger zone areas na pakainin o kaya’y kunin ang kanilang mga ala­gang hayop at makakuha ng ilang mga kagamitan.

“Yung mga nakapag-provide na ng window hours, stop na ‘yun... hindi puwedeng araw-araw. Nagbigay lang tayo ng konting humanitarian consideration. We need to be strict,” anang Kalihim.

Sa isang radio interview, sinabi naman ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na inatasan na niya ang mga alkade sa mga idineklarang nasa ilalim ng danger zone na kanselahin na ang ‘window hours’.

Ayon pa sa mga opis­yal, napakadelikado na ng ‘window hours’  dahil wala namang parametro o oras kung kailan ito sasabog lalo na at patuloy ang paga-alburuto ng bulkan na  indikasyon ng mapanganib at malakas na pagsabog.

“Batay sa huli naming report, 98% ng mga residente sa mga barangay na sakop ng 14-km high risk danger zone ay ganap nang nailikas habang ang iba ay inililikas pa,” sabi ni Año.

Nauna nang umapela si Año sa mga apektadong residente na huwag munang bumalik sa kanilang mga tirahan na nasasakupan ng 14-kilometer radius danger zone ng Taal Volcano dahil lubhang mapa­nganib pa ang sitwasyon sa lugar.

Sa kasalukuyan, na­natili pa ring nakataas ang Alert level 4 sa Taal volcano na patuloy sa pagbubuga ng makapal na maitim na usok mula sa nagbabagang bu­nganga ng bulkan.

May mga nagpatupad na rin aniya ng total at partial lockdown sa kanilang mga lugar para matiyak ang kaligtasan ng mga apektadong pamilya.

EDUARDO AñO TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with