^

Bansa

Trump umatras sa giyera vs Iran

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Trump umatras sa giyera vs Iran
Sa isang televised message sa White House tungkol sa mga pinakawalang missiles ng Iran, ipinunto ni Trump na walang namatay sa ginawang pagpapakawala ng missiles ng Iran sa dalawang US bases sa Iraq at hindi naman ma­laki ang naging pinsala.
AFP/Eric Baradat

MANILA, Philippines – Umatras si US President Donald Trump sa napipintong giyera sa pagsabing nag-“standing down” o wala talagang balak sumabak sa digmaan ang Iran.

Sa isang televised message sa White House tungkol sa mga pinakawalang missiles ng Iran, ipinunto ni Trump na walang namatay sa ginawang pagpapakawala ng missiles ng Iran sa dalawang US bases sa Iraq at hindi naman ma­laki ang naging pinsala.

“Iran appears to be standing down, which is a good thing for all parties concerned and a very good thing for the world,” sabi ni Trump.

Sinabi pa ni Trump na bagaman at may malakas na militar at kagamitan ang Amerika ay hindi nangangahulugan na kailangan nila itong gamitin.

“The fact that we have this great military and equipment, however, does not mean we have to use it. We do not want to use it. American strength, both military and economic, is the best deterrent,” sabi ni Trump sa kanyang mensahe.

Ginawa ng Iran ang pag-atake sa 2 US bases sa Iraq bilang sagot sa ginawang pagpatay ng Amerika kay Iranian military commander Qassem Soleimani sa Iraq noong nakaraang linggo. 

Pero inihayag din ni Trump na dapat magpataw ng malakas na parusa ang Amerika sa Iran hanggang magbago ang “behaviour” ng nasabing bansa.

Sinisi rin ni Trump sa 10-minutong mensahe ang pinalitan niyang si dating US President Barack Obama dahil sa pagpasok sa isang nuclear agreement sa Iran noong 2015.

Ayon kay Trump, ang missiles na ginamit sa pag-atake sa kanila at kanilang kaalyado ay binayaran ng pondong inilabas ng nagdaang administrasyon.

vuukle comment

TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with