^

Bansa

Lalahok sa Traslacion, tiyaking handa ang katawan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lalahok sa Traslacion, tiyaking handa ang katawan
Hindi inalintana ng mga deboto ang init at ulan habang nasa kahabaan ng pila ng Pahalik sa Itim na Nazareno na nasa Quirino Grandstand sa Maynila.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na manatiling hydrated at huwag magyapak sa kasagsagan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Senador at PRC Chairman Richard Gordon, kailangan na tiyakin mismo ng mga deboto na maayos ang kanyang pangangatawan at maaaring manatili sa bahay kung may high blood pressure, sipon, ubo, o lagnat na huwag nang sumama sa prusisyon.

Pinayuhan ni Gordon ang mga deboto na, bago lumahok sa prusis­yon, mabuting alamin muna nila ang ruta ng prusis­yon at tiyaking handa ang kanilang pa­ngangatawan at isipan bago lumahok.

Dapat ding ipaalam ng mga deboto sa ka­nilang mga kapamilya na lalahok sila sa prusisyon at kung may iba pa silang pupuntahan.

Paalala pa ng PRC, hindi na dapat pang lumahok sa prusisyon ang mga buntis at may sakit dahil posibleng mala­gay lamang sila sa ala­nganin.

Kung hindi mapipi­gilang lumahok ang mga may sakit sa prusisyon ay dapat magdala sila ng kanilang gamot.

Hindi rin dapat na magdala ng mga sanggol o magsama ng mga bata at matatanda sa mga lugar na malapit sa ruta ng Traslacion.

Mas maganda kung magdadala ng identification cards (ID) at mga dokumentong nagsasaad ng medical information at emergency contact numbers ang isang deboto.

Dapat din umanong tiyakin ng deboto na nakakain sila bago makiisa sa prusisyon at magdala ng tubig at mga biskuwit at kendi upang makaiwas sa gutom at dehydration.

vuukle comment

PRC

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with