Kongreso tumugon sa SC ruling sa sahod ng nurse
MANILA, Philippines — Ipinapatupad na ng Senado at ng House of Representatives ang isang desisyon ng Supreme Court na nagsasaad na dapat itaas ang sahod ng mga nurse ng pamahalaan.
Inilaan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang P3.2 bilyon sa panukalang P4.1 billion national budget para sa adjustment. Ipinadala ng House kay Pangulong Rodrigo Duterte ang advance copy ng budget para kanyang mapag-aralan.
Saklaw ng umento sa sahod ang mga nurse sa mga ospital na pinamamahalaan ng Department of Health sa buong bansa kabilang ang nasa apat na specialty health facilities sa Quezon City.
- Latest