Ayon kay Robredo, hihintayin lang niya na matapos ang Southeast Asian Games bago ilatag ang mga impormasyon at rekomendasyon kaugnay ng drug war.
The STAR/ File
Robredo isisiwalat sa Lunes ang report sa drug war
(Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang isiwalat sa Lunes ni Vice Pres. Leni Robredo ang kanyang report kaugnay ng mga nadiskubre sa war on drugs

campaign ng gobyerno bilang drug czar sa loob ng higit dalawang linggo.

Ayon kay Robredo, hihintayin lang niya na matapos ang Southeast Asian Games bago ilatag ang mga impormasyon at rekomendasyon kaugnay ng drug

war.

Nilinaw ng bise presidente na walang dapat ikabahala ang publiko, lalo na ang administrasyon hinggil sa kanyang report.

“Walang dapat matakot. Medyo nakakatawa nga na parang ‘yung anticipation nananakot ako. Wala naman tayong tinatakot,” dagdag ng vice president.

Kabilang umano sa mga laman ng report ang “gaps” na kanyang nakita sa drug war at ilan pang suhestyon para mapabuti ito.

Kung maaalala, sinibak ni Pangulong Duterte si Robredo matapos ang higit dalawang linggong panunungkulan bilang co-chair ng Inter-Agency Committee

on Anti-Illegal Drugs (ICAD) dahil sa iba’t ibang alegasyon.

DRUG WAR SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with