Build, Build, Build projects hindi bigo

MANILA, Philippines – Itinanggi kahapon ni Bases and Conversion Development Authority (BCDA) President and CEO Vivencio “Vince” Dizon na isang failure ang Build, Build, Build program ng Duterte administration.

Sa economic briefing sa Malacañang, sinabi ni Dizon na hindi siya sang-ayon na tawaging hindi epektibo at hindi tagumpay ang naturang programa ng gobyerno.

Ayon kay Dizon, sa katunayan ay marami na sa mga flagship projects ng Duterte administration ay natapos na.

Binigyan-diin ni Dizon na sa mga proyektong ito, 35 ang patuloy pang ginagawa, 32 ang matatapos sa loob ng anim hanggang walong buwan, 21 ang nasa advance stages ng government approval, at 12 ang nasa advance stages ng feasibilities.

Nilinaw din ng opis­yal na lumang record na ang hawak na listahan ni Sen. Franklin Drilon nang sabihin nito na ‘dismal failure’ ang Build, Build, Build program ng pamahalaan.

Aminado naman si Dizon na may mga pagkukulang pa rin sila na maaaring punan para mas mapabilis pa ang naturang programa ng kasaluku­yang administrasyon.

Aniya, hindi naman ipinangako ni Pangulong Duterte na matatapos sa loob ng kanyang termino ang mga big ticket pro­jects.

 

Show comments