^

Bansa

Mga gusali inspeksyunin vs lindol

Rudy Andal, Malou Escudero, Tina Mendez - Pilipino Star Ngayon

Digong sa LGUs

MANILA, Philippines — Nanawagan kamakalawa ng gabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government unit na inspeksyunin ang lahat ng mga luma at bagong gusali para matiyak na makakatagal ang mga ito sa mga lindol.

Bagaman hindi ma­tatantiya ang pagda­ting ng lindol, sinabi ni Duterte na dapat pag-ibayuhin ng mga LGU ang inspeksyon sa mga gusali lalo na sa mga nabigyan ng building permit para sumunod ang mga ito sa Building Code.

“Oras nang inspek- s­yunin ng mga LGU ang lahat ng mga gusali. Um­pisahan na nila nga­yon. Dumating na ang panahon ng mga lindol. Hindi ko alam kung mangyayari na naman ito ngayon o bukas,” sabi ng Pangulo.

Nais niyang matiyak na sumusunod ang lahat ng mga building owner sa National Building Code.

“Ang problema nito, wala ako dito, nasa Bangkok ako. Kaya ayokong may mangyaring kalamidad habang wala ako. Hindi lang para sa anupaman. Ano lang, manatili rito at gawin ang magagawa ninyo para sa inyong mga kababayan,” wika pa ng Pangulo kamakalawa makaraang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang sa Davao.

Samantala, nanawagan kahapon ang Pa­lasyo sa Kongreso na amyendahan ang National Building Code upang maiwasan ang mas marami pang peligro na posibleng maidulot ng mahinang istraktura sa panahon ng natural disasters.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, masyado ng outdated ang umiiral na batas na may kinalaman sa National Building Code habang maluwag na rin ang pagkakabalangkas dito.

Ayon kay Sec. Anda­nar, panahon na upang higpitan ang batas na may kaugnayan sa pag-iisyu ng building permit.

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with