Ang ultimatum ay ibinaba ng DoJ matapos muling mabigo ang kampo ni Trillanes na maghain ng counter affidavit sa pagdinig ng DoJ kamakalawa ng hapon.
File
Ultimatum ibinaba ng DOJ vs Trillanes
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hanggang sa Oktubre 22 lamang ang ibinigay na ultimatum ng panel of prosecutors ng  Department of Justice kay dating Senador Antonio Trillanes IV para maghain ng kontra salaysay sa kasong kidnapping at serious illegal detention laban sa kanya.

Ang ultimatum ay ibinaba ng DoJ matapos muling mabigo ang kampo ni Trillanes na maghain ng counter affidavit sa pagdinig ng DoJ kamakalawa ng hapon.

Bigo ring makapaghain ng kontra salaysay ang iba pang respondents na kasama ni Trillanes sa kaso na sina Atty. Jude Sabio, Fr. Albert Alejo at Sister Ling.

Ang kasong kinakaharap ni Trillanes ay inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigaation and Detection Group at ng private complainant na si Guillermina Barrido.

Busod ng hindi paghahain ng counter affidavit, binalaan ng panel ang grupo ni Trillanes na kapag hindi pa rin sila nakapaghain sa October 22 ay dedesisyunan na nila ang reklamo.

TRILLANES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with