Ikatlong Pinoy na nasawi sa Taiwan bridge natagpuan

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na natagpuan na ang bangkay ng natitirang Pilipinong mangingisda na nawala matapos bumigay ang isang tulay sa Taiwan.

Kinilala ito na si Romulo Illustrimo Escalicas Jr.

Nauna nang natagpuan ang mga bangkay nina Andree Abregana Serencio at George Jagmis Impang na namatay din sa pagbagsak ng 460-foot long na tulay sa probinsya ng Nanfangao.

Nailigtas naman ang limang Pilipinong mangi­ngisda mula sa 10 nagtamo ng injuries sa insidente.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang mga Pinoy at gayundin nabigyan na ang mga ito ng cash assistance.

Nangako ang DOLE na tutulong ito sa repatriation ng mga narekober na bangkay ng mga Pilipinong mangingisda.

Show comments