Inutos ng isang prosecutor kina Trillanes, Atty. Jude Sabio, Jesuit priest Albert Alejo at isang Sister Ling ng Convent of the Cannussian Sisters na magpakita ang mga ito sa DOJ-Manila sa Oktubre 11 at ipasa ang kanilang counter-affidavit sa mga kasong isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at ni Barrido.
Geremy Pintolo
Trillanes, 3 pa pinatawag ng DOJ sa kidnapping probe
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinahaharap ng Department of Justice (DOJ) si dating senator Antonio Trillanes IV at 3 iba pa hinggil sa reklamong kidnapping with serious illegal detention na isinampa ng Davao-based businesswoman na si Guillermina Barrido.

Inutos ng isang prosecutor kina Trillanes, Atty. Jude Sabio, Jesuit priest Albert Alejo at isang Sister Ling ng Convent of the Cannussian Sisters na magpakita ang mga ito sa DOJ-Manila sa Oktubre 11 at ipasa ang kanilang counter-affidavit sa mga kasong isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at ni Barrido.

Inirereklamo ang apat sa pagkidnap at pag-detain kay Barrido alias Guillermina Arcillas sa loob ng 2 linggo noong Disyembre 2016 para umano pumirma sa isang ‘ready-made’ affidavit na naglalaman ng mga mabibigat na alegasyon laban kay Pangulong Duterte at sa pamilya nito.

Ilan sa mga alegasyon na kasama rito ay murder, corruption, existence of Davao Death Squad at iligal na droga.

Sa supplemental affidavit ni Barrido noong Agosto 5, 2019 sinundo umano siya nina Alejo at Sabio sa airport at dinala siya sa 2 convent sa Makati at Quezon City mula Dis. 6-21, 2016 kung saan sina Sister Ling, Alejo at Trillanes ay pinipigilan siyang umalis na kala mo’y preso.

Itinanggi naman nina Trillanes at Alejo ang mga nasabing alegasyon.

 

TRILLANES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with