‘Dapat walang palakasan sa kulungan’

Sen. Go sa DOJ

MANILA, Philippines — Inutos ni Sen. Bong Go sa Department of Justice (DOJ) na ayusin ang mga pasilidad sa ating pambansang piitan at tiyaking maitatrato nang pantay-pantay ang mga bilanggo.

Sinabi ni Go na ang lahat ng preso ay dapat na tratuhing parehas at itigil na ang kulturang palakasan sa mga kulungan.

“To the DOJ, do your sworn duties. I am sure you are very competent. Let us fix our correctional facilities,” ang atas ni Go.

“All prisoners, mayaman o mahirap, must be treated equally. Pare-parehas lang dapat. Walang palakasan sa bilangguan,” aniya.

Muling iginiit ni Go na suportado niya ang kautusan ni Pangulong Duterte na muling hulihin pabalik sa Bilibid ang mga convict na napalaya dahil sa maling pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ngunit aniya, hindi dapat malimitahan sa pag-aresto lang ang pamahalaan sa mga convict sa pagsasabing may mga alegasyong “GCTA for sale” at special treatment sa correctional facilities na kinakailangan ding matalupan.

Nanawagan din si Sen. Go sa mga kapwa mambabatas na agad amyendahan ang Revised Penal Code, partikular ang RA 10592, upang maalis ang kalituhan sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Iniutos din niya ang transparency sa Bureau of Corrections (BuCor), lalo sa pagpapalaya ng mga bilanggo. 

Show comments