^

Bansa

P102-B Marcos forfeiture case ibinasura ng Sandiganbayan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P102-B Marcos forfeiture case ibinasura ng Sandiganbayan
Nabigo rin umano ang prosekusyon na patunayan na naging dummy ang mga akusado ng mag-asawang Marcos upang magkamal ng nakaw na yaman.

MANILA, Philippines — Matapos ang 30 taon, ibinasura ng Sandiganbayan ang P102 bilyong forfeiture case laban kay dating Pa­ngulong Ferdinand Marcos, dating First Lady Imelda Marcos at 11 cronies nito.

Sa 67 pahinang desisyon ng second division ng anti-graft court, sinabi nito na kulang sa ebidensiya ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) para patotohanan ang alegasyon nito.  

Nakasaad pa sa desisyon ng korte na matapos ang 30 taon ng kaso ay nabigo pa rin ang prosekusyon na magprisinta ng sapat na ebidensya laban sa mga natitirang akusado.

Nabigo rin umano ang prosekusyon na patunayan na naging dummy ang mga akusado ng mag-asawang Marcos upang magkamal ng nakaw na yaman.   

Wala rin umanong naipakitang ebidensya upang mapatunayan na may partisipasyon ang mag-asawa sa pagpapautang sa Aklan Bulk Carriers, Inc., Fuga Bulk Carriers, Inc., Coron Bulk Carriers, Inc., at Ecija Bulk Carriers, Inc., at paggamit ng kita mula sa RPN-9, IBC-13 at BBC-2 para sa kanilang personal na pakinabang.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

IMELDA MARCOS

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with