^

Bansa

Land reform ni Cory binira ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Land reform ni Cory binira ni Digong
Ginawa ito ni Pangu­long Duterte kamakalawa ng gabi, isang araw matapos gunitain ang ika-10 anibersaryo ng kamatayan ni Aquino.

MANILA, Philippines — Kinuwestyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang agrarian reform le­gacy ni dating Pangulong Cory Aquino.

Ginawa ito ni Pangu­long Duterte kamakalawa ng gabi, isang araw matapos gunitain ang ika-10 anibersaryo ng kamatayan ni Aquino.

Sa kanyang talumpati kasabay ng pamamahagi ng certificate of land ownership (CLOA) sa mga land reform beneficiaries sa Davao City, sinabi ni Duterte na popular lamang si Cory dahil sa pagkakamatay ng asawa nitong si dating Senador Ninoy Aquino Jr. sa kamay umano ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Pangulong Duterte, nagdeklara si Cory ng land reform sa buong bansa pero hindi isinali ang Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng pamilya nito.

Kaya inihayag ni Pa­ngulong Duterte na “inconsistent” ito sa kanyang pagpapalaya sa mga Pilipino mula sa diktadurya.

Si Aquino na unang babaeng presidente ng Pilipinas na nagsilbi mula 1986 hanggang 1992 ay namuno sa people power revolution na nagpabag­sak sa 21 taong diktadurang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Pumasok lang si Cory sa pulitika nang paslangin sa Manila International Airport si Ninoy na isang promintenteng kritiko ni Marcos noon. Pumanaw siya noong Agosto 1, 2009 dahil sa colon cancer.

Noong Nobyembre 22, 2011, ipinalabas ng Supreme Court ang desis­yon na nagdedeklara na ang 4,915.75 ektaryang lupain ng Hacienda Luisita ay dapat ipamahagi ng 6,296 benepisyaryo ng land reform program na pinasimulan ni Aquino. 

vuukle comment

CORY AQUINO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with