Bagamat wala pa naman aniyang batas kung saan pinapayagan ang mga babaeng manggagawa na mag-leave sa trabaho dahil sa menstrual cramp, depende naman ito sa pag-uusap ng employees at mismong employer.
‘Menstrual leave’ posible – DOLE
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala si Labor Secretary Silvertre Bello III na posibleng maaprubahan ang ‘menstrual leave’  sa pamamagitan ng collective bargaining agreement.

Bagamat wala pa naman aniyang batas kung saan pinapayagan ang mga babaeng manggagawa na mag-leave sa trabaho dahil sa menstrual cramp, depende naman ito sa pag-uusap ng employees at mismong employer.

Inihain ng yumaong senador na si Miriam Defensor Santiago sa 13th Congress ang ‘‘Menstruation Leave Act” o “an act granting ‘menstruation leave’ of one (1) day a month with fifty percent daily remuneration to all female employees in the private and public sectors.”

Masakit sa pakiramdam sa mga babae ang dysmenorrhea o menstrual cramps na nararanasan tuwing sila ay nagkakaroon ng buwanang dalaw at nagtatagal ito ng dalawa hanggang apat na araw kung saan nananakit ang puson o likod.

MENSTRUAL LEAVE SILVERTRE BELLO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with