^

Bansa

137 na-'food poison' sa 90th birthday ni Imelda — Philippine Red Cross

James Relativo - Philstar.com
137 na-'food poison' sa 90th birthday ni Imelda � Philippine Red Cross
Ayon sa ulat ng Philippine Red Cross, umabot sa 137 katao ang nakaranas ng pagsusuka at panghihilo mula sa 2,000 dumalo sa birthday.
Twitter/Philippine Red Cross

MANILA, Philippines (UPDATE 2 2:24 p.m.)— Isinugod sa ospital ang ilang indibidwal matapos diumano malason kasunod ng pagdiriwang ng ika-90 kaarawan ni dating first lady Imelda Marcos.

Ayon sa ulat ng Philippine Red Cross, umabot sa 137 katao ang nakaranas ng pagsusuka at panghihilo mula sa 2,000 na dumalo sa birthday.

Kinumpirma naman ni Bebot Diaz, chief-of-staff ni Marcos, na nasa mabuting kalagayan ang dating unang ginang, sabi sa ulat ng DWIZ.

Nasa tatlong indibidwal na rin daw ang inilipat sa Rizal Medical Center habang tinitignan na ang presyon ng dugo ng 25 iba pa.

Umabot na rin sa walong ambulansya ang ipinadala kasunod ng nangyari.

Kinumpirma na rin ni PRC chair at senador na si Sen. Richard Gordon ang nangyari.

"PRC medic teams are currently responding to an alleged food poisoning incident at the Birthday Celebration of Ms. Imelda Marcos at Ynares Sports Complex this morning,"  wika ni Gordon.

(Kasalukuyang tumutugon ang PRC medic teams sa diumano'y food poisoning na nangyari sa kaarawan ni Gng. Imelda Marcos sa Ynares Sports Complex ngayong umaga.)

Maglalabas pa naman daw ng karagdagang detalye patungkol sa nangyari.

Sa ulat naman ng News5, sinabing sumama ang pakiramdam ng mga bisita matapos makakain ng inihaing adobo.

Ipinagdiwang ni Imelda Marcos, na asawa ng dating diktador na si Ferdinand Marcos, ang kanyang birthday kahapon, ika-2 ng Hulyo.

Kasalukuyan namang nanunungkulan bilang bagong halal na senadora ang kanyang anak na si Imee Marcos. — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

IMELDA MARCOS

PHILIPPINE RED CROSS

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with