2 Obispo, ex-Cabinet sec. dawit sa ‘oust Duterte’
MANILA, Philippines — Dalawang obispo ng Simbahang Katoliko at isang dating Kalihim ng gabinete ang idinawit ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy sa kontrobersyal na “Ang Totoong Narcolist” video na nagdadawit sa pamilya at mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa illegal drug trade.
Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, posibleng ipatawag nila si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Caloocan Bishop Pablo Virgilio David at dating Education secretary Armin Luistro dahil sa alegasyon ni Bikoy na nakipagpulong siya sa mga ito.
Sina Villegas, David, Luistro at isa umanong dating Father Robert (ang kilalang aktibistang si Fr. Robert Reyes ay kabilang sa mga personalidad na isinangkot ni Advincula sa Oplan Sodoma o ang planong pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Duterte para iluklok sa puwesto si Vice Pres. Leni Robredo. Mastermind umano si Sen. Antonio Trillanes IV at ang Liberal Party (LP).
Nitong Lunes ay inihayag ni PNP Criminal Investigation and Detection Group Police Major Amador Corpus na nagbalik sa kanilang kustodya si Bikoy at humingi ng protective custody kung saan ay nagbigay na rin ito ng sinumpaang salaysay sa kanyang mga ibinunyag.
- Latest