2 kasunduan pinirmahan ng Pinas at China
Kabilang sa mga nilagdaang kasunduan ang pagpapalitan ng letters on production capacity and investment cooperation at ang Grant-aid para sa dangerous drugs abuse treatment and rehabilitation centers project sa pagitan ng Pilipinas at China.
2 kasunduan pinirmahan ng Pinas at China
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinaksihan kahapon nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping ang dalawang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Kabilang sa mga nilagdaang kasunduan ang pagpapalitan ng letters on production capacity and investment cooperation at ang Grant-aid para sa dangerous drugs abuse treatment and rehabilitation centers project sa pagitan ng Pilipinas at China.

Nagpasalamat si Pa­ngulong Duterte sa personal na imbitasyon sa kanya ni President Xi upang dumalo sa 2nd Belt and Road forum.

Itinuturing naman ni President Xi na isang tunay na kaibigan ng China si Pangulong Duterte.

Sinabi ni Xi bilang tugon sa opening  statement ni Duterte sa bilate­ral meeting ng mga ito, mahalaga ang papel ng Pilipinas sa Belt and Road initiative forum.

Wika ng Chinese president, isang tunay at mapagkakatiwalaang partner ng China si Duterte kaya inimbitahan niya ito sa 2nd Belt and Road Initiative forum.

Nakiramay rin si Xi sa mga biktima ng sunud-sunod na lindol sa Pilipinas.

PHILIPPINES AND CHINA XI JINPING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with