Ito ang iginiit ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., chairman ng komite, matapos sabihin ni Senador Panfilo Lacson na binawi na ng Kamara ang niratipikahang P3.757 Trillion national budget.
Pagbawi sa Budget papers itinanggi
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinanggi ng House Committee on Appropriations na binawi na nila ang budget documents na isinumite nila sa Senado.

Ito ang iginiit ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., chairman ng komite, matapos sabihin ni Senador Panfilo Lacson na binawi na ng Kamara ang niratipikahang P3.757 Trillion national budget.

Paliwanag ni Andaya, na walang kapangyarihan si San Juan Rep. Ronnie Zamora  o ang sinumang kongresista na bawiin ang budget documents nang walang approval ng plenaryo ng Kamara.

Ito ay dahil ang 2018 General Appropriations Bill (GAB) ay inaprubahan sa plenayo at niratipikahan ng bicameral conference report  kaya dapat din itong bawiin sa plenary session ng mga miyembro ng Kamara.

Nabatid na si Zamora ay inatasan ni House Speaker Gloria Arroyo  na makipagnegosasyon sa Senado para pag-usapan ang mga hindi mapagkasunduan sa budget.

PANFILO LACSON ROLANDO ANDAYA JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with