Motorsiklo gagawin ng PUV

Ito ay sa sandaling tuluyang maisabatas ang House bill 8959 o “Motorcycles for Hire Act” na pasado na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa at naglalayong amyendahan ang Republic Act (RA) 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.

MANILA, Philippines — Maaari nang gamitin ang motorsiklo bilang Public Utility Vehicle o PUV.

Ito ay sa sandaling tuluyang maisabatas ang House bill 8959 o “Motorcycles for Hire Act” na pasado na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa at naglalayong amyendahan ang Republic Act (RA) 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.

Sa ilalim ng panukala na inihain ni 1st district, South Cotabato Rep. Pedro Acharon Jr., layon nito na magbigay ng kaginhawahan sa mga nagko-commute sa mga siyudad at lalawigan sa pamamagitan ng pag-regulate sa paggamit ng motorsiklo bilang alternatibong public transportation.

Isa naman sa inam­yendahan sa Land Transportation and Traffic Code ay ang pagsisingit ng terminong “motorcycles for hire” na tumutukoy sa dalawang gulong na sasakyan na ipaparehistro sa LTO para magamit bilang commercial vehicle para makapagsakay ng mga pasahero at mga goods.

Itinatakda sa panukala na maaring maging pampublikong sasakyan ang motorsiklo kapag ito ay may minimum engine displacement na 125 cubic centimeters at backbone type ang pagkakagawa at may nakalagay rin dapat na “motorcycles for hire”.

Kailangan naman magpakita ng certificate of public convenience o special permit na inisyu ng LTFRB sa mga gustong ipasok bilang PUV ang kanilang motorsiklo. 

Show comments