^

Bansa

P124-M pinasosoli kay Revilla

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P124-M pinasosoli kay Revilla
Kung hindi umano civilly liable si Revilla ay dapat malinaw na nakasaad ito sa desisyon sa kanyang kaso.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Kahit hindi nahatulang guilty sa kasong plunder, iginiit ng prosekusyon sa Sandiganbayan na dapat ibalik ni dating senador Bong Revilla ang P124 milyon sa kaban ng bayan.

Sa inihaing mosyon ng prosekusyon sa anti-graft court, iginiit nila na hindi lamang ang mga kapwa akusado ni Revilla na sina Janet Lim-Napoles at Atty. Richard Cambe na napatunayang guilty sa kasong plunder ang may civil liability kundi maging si Revilla kahit pa man na-acquit ito sa kaso.

Kung hindi umano civilly liable si Revilla ay dapat malinaw na nakasaad ito sa desisyon sa kanyang kaso.

Wala umanong nakasaad sa dispositive portion sa nasabing desisyon na kasama o exempted ang dating senador mula sa pagbabayad ng civil damages.

Paliwanag pa ng prosekusyon na pinal na ang desisyon sa civil liability ni Revilla dahil hindi naman ito naghain ng kanyang motion for reconsideration kaugnay sa pagpapabalik ng P124M.

vuukle comment

BONG REVILLA

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with