^

Bansa

Passport data breach banta sa pambansang seguridad

Joy Cantos, Rudy Andal, Lordeth Bonilla, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Passport data breach banta sa pambansang seguridad
Ito ang tinuran kahapon ni PNP Chief Director General Oscal Albayalde kaugnay sa naunang isiniwalat ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. kamakailan na tinangay umano ng isang private contractor ang mga passport data na naging sanhi ng pagiging non-availability nito matapos i-terminate ang kontrata nito sa DFA.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isang maituturing na banta sa pambansang seguridad ang kontobersiyal na data preach ng mga passport sa Department of Foreign Affairs.

Ito ang tinuran kahapon ni  PNP Chief Director General Oscal Albayalde kaugnay sa naunang isiniwalat ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. kamakailan na tinangay umano ng isang private contractor  ang mga passport data na naging sanhi ng pagiging non-availability nito matapos i-terminate ang kontrata nito sa DFA.

“Puwede kasi napakarami niyan. Hindi lang banta sa pambansang seguridad kundi banta rin sa ating mga identities,” sabi ni Albayalde.

Nagpahayag ng pagkabahala si Alba­yalde na may mga Pilipinong nanganganib ang kanilang privacy dahil sa naturang usapin.

“Napakarami ng Pilipino na kumuha ng passport na andun lahat ang information. Isa iyang banta,” puna niya kasabay ng pagsasabing maaaring tumulong ang PNP kung kailangan nito ng DFA sa imbestigasyon.

Pero sinabi rin kahapon ni Locsin na sa ngayon ay wala pa namang “nag-leak” na impormasyon o data sa mga passport holder matapos itong tangayin ng dating contractor.

Subalit kailangan aniyang gumawa ng bagong database ang DFA para sa passports na inisyu bago ng 2010 dahil tinangay aniya ang mga impormasyon hinggil dito.

Kahapon ay nagpa­dala naman ng im­bi­tasyon sa tanggapan ng  DFA ang National Privacy Commission  para sa imbestigayon sa  insidente.

Sinabi ni NPC Chairman Raymund Liboro na huwag aniyang ma­taranta ang publiko dahil marami aniyang dahilan ang non-availability ng data.

Kung hindi aniya ma-access  ang data, hindi aniya ibig sabihen na awtomatiko na magiging isyu  ang confidentiality o ang integridad, huwag aniya mag-jumping to conclusion dito.

Iginiit naman ng Ma­lacañang na hindi dapat pahirapan ng DFA ang mga magre-renew ng kanilang passport kasunod ng pagkakaroon ng data security breach kung saan ay hihingan ang mga ito ng kopya ng kanilang birth certificate.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi dapat ang publiko partikular ang magre-renew ng kanilang passport ang pahihirapan ng DFA sa pamamagitan ng pagsusumite muli ng kopya ng kanilang birth certificate na mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Suportado ng Mala­cañang ang gagawing imbestigasyon ng National Privacy Commission (NPC) kaugnay sa security data breach.

Samantala, pinaiimbestigahan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Kamara ang nangyaring data leak sa DFA.

Dahil dito kaya  pina­iimbitahan sa Kamara si Locsin para magpaliwanag bakit hinayaan ng ahensya ang data leak .

Ayon kay Zarate, hin­di mangyayari ang data leak kung hindi kumuha ang gobyerno ng private sub-contractor para sa pag-imprenta ng mga pasaporte.

Maiiwasan sana anya ang leakage sa impormasyon ng libu-libong pasaporte kung ang mga government enterprises tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Printing Office (NPO) ang siyang nag-imprenta ng mga ito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with