Walang Pinoy sa terrorist attack sa Pakistan

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), wala pa silang natatanggap na ulat na may mga Pilipino sa naturang mga pagsa­l­akay bagama’t patuloy silang nag-aantabay ng mga impormasyon.
AP

MANILA, Philippines — Walang Pilipino na na­damay sa magkakasunod na pagpapasabog sa Pakistan nitong nakaraang Biyernes.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), wala pa silang natatanggap na ulat na may mga Pilipino sa naturang mga pagsa­l­akay bagama’t patuloy silang nag-aantabay ng mga impormasyon.

Nabatid na aabot sa 40 tao ang kinumpirmang nasawi sa naganap na pagsalakay nitong Biyernes.

Isang granada ang pinasabog at nagpa­putok ng baril ang mga salarin malapit sa Chinese consulate sa Karachi na sinundan ng pagsalakay sa isang pamilihan sa Orakzai.

Nagpalabas din ang DFA ng pahayag na kinokondena ang naturang pag-atake at muling iginiit ang kooperasyon sa pag­laban sa terorismo.

“The Philippines denounces the 23 November terrorist attacks on the Chinese Consulate in Karachi and on an open air market in Orakzai in Pakistan that left close to 40 persons dead,” ayon sa DFA.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga biktima ng naturang mga pag-atake.

Show comments