^

Bansa

Solons dismayado sa piyansa ni Imelda

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Solons dismayado sa piyansa ni Imelda
Sinabi ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao, double-standard ang ipinapakita ng korte dahil sa hindi agad na pagpapaaresto kay Marcos at sa pagpayag na makapaglagak ito ng piyansa.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Dismayado ang ilang kongresista sa pagpayag ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ang dating unang ginang at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Sinabi ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao, double-standard ang ipinapakita ng korte dahil sa hindi agad na pagpapaaresto kay Marcos at sa pagpayag na makapaglagak ito ng piyansa.

Kahiya-hiya umano sa buong mundo ang ginagawa ng Sandiganbayan na pagyukod pa rin sa mga Marcos.

Ayon naman kay Akbayan Rep. Tom Villarin, bagamat desisyon ng korte ang pagpayag na makapaglagak ng piyansa si Marcos sa ilalim na rin ng Rules of Court, hindi dapat ito maliitin at balewalain ang kaso dahil sa isyu ng katandaan at lagay ng kalusugan nito.

Giit ng mambabatas, na ang paliwanag ni Ginang Marcos na pinagbabawalan siya ng mga doctor na ma-stress dahil sa kanyang mga sakit ay kabaligtaran ng ipinapakita at ginagawa ng dating first lady.

Dahil kung bawal umanong ma-stress si Mrs. Marcos ay bakit pa itong pinayagan na pumasok sa stressful na pulitika at hinayaang kumandidato na Gobernador ng Ilocos.

Anya, dapat ay hinayaan na lamang na makulong si Marcos at ang kapalaran niya ang magdesisyon sa kanyang hinaharap.

vuukle comment

IMELDA MARCOS

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with