Isinagawa ang halalan sa head office ng UN sa New York kung saan pina­ngunahan ni UN Permanent Representative at incoming DFA Sec. Teodoro “Teddy­boy” Locsin Jr. ang dele­gasyon ng bansa. Dahil dito, ang Pilipinas ay magsisilbi ng panibagong 3-year term sa UN Council.
Miguel de Guzman
Pinas nahalal sa UN Human Rights Council
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nahalal ang Pilipinas bilang bagong miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa kabila ng matinding pagkontra mula sa international human rights group.

Nakakuha ang Pilipinas ng 165 votes mula sa 192 boto ng mga member-states, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Isinagawa ang halalan sa head office ng UN sa New York kung saan pina­ngunahan ni UN Permanent Representative at incoming DFA Sec. Teodoro “Teddy­boy” Locsin Jr. ang dele­gasyon ng bansa.

Dahil dito, ang Pilipinas ay magsisilbi ng panibagong 3-year term sa UN Council.

Kasama ng Pilipinas na nahalal ang Bahrain, Ca­meroon, Somalia, Bang­ladesh at Eritrea.

Una nang tinutulan ng New York-based Human Rights Watch na hindi dapat mabigyan ng “upuan” sa UN Council ang Pilipinas at Eritrea dahil umano sa human rights records ng mga ito.

Sinabi naman ni ba­gong Presidential Spokesman Salvador Panelo na ipinapakita rito na kinikilala ang Pilipinas bilang bansang kumikilala at gumagalang ng mga karapatang pantao.

Binigyang-diin din ni Panelo ang naging pahayag ni UN Secretary-General António Guterres na ang iligal na droga ay pandaigdigang problema na nagpapatunay umanong tama ang ginagawa ni Pangulong Duterte na anti-drug war.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with