^

Bansa

SONA ni Duterte walang yabang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
SONA ni Duterte walang yabang
Ayon Kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang SONA ni Pangulong Duterte ay “mula sa Puso” at walang gagawing pagyayabang sa mga nagawa nito para sa bansa.

MANILA, Philippines — Siniguro ng Malacañang na walang halong yabang ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa darating na July 23 sa joint session ng Kamara at Senado.

Ayon Kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang SONA ni Pangulong Duterte ay “mula sa Puso” at walang gagawing pagyayabang sa mga nagawa nito para sa bansa.

Tinatayang aabot lamang ng 35-minuto ang magiging SONA dahil magbabasa lamang ang Pangulo ng kanyang prepared speech.

Aniya, ipinaubaya na kasi ni Pangulong Duterte sa kanyang gabinete ang pag-uulat sa bayan sa mga nagawa ng gobyerno  sa ginanap na pre-SONA briefings sa nakaraang 2 linggo na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC).

Ang ikatlong SONA ay pangangasiwaan naman ni film director Joyce Bernal at libre ito dahil hindi nagpabayad ang award-winning director.

vuukle comment

HARRY ROQUE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with