Napoles ikakanta lahat ng alam  sa multi-billion peso pork scam
Ang pahayag ay ginawa ni Guevarra kasunod ng pahayag ni Solicitor Ge­neral Jose Calida na dapat na pakinggan ang mga sasabihin ni Napoles tungkol sa scam at kung sinu-sino ang mga sangkot na go­vernment officials.
Michael Varcas
Napoles ikakanta lahat ng alam sa multi-billion peso pork scam
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Justice Secretary Menardo  Guevarra na ibubunyag pa rin ng tinaguriang pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles ang lahat ng kanyang nalalaman hinggil sa multi-billion-peso fraud kahit pa wala na ito sa Witness Protection Program (WPP).

Ang pahayag ay ginawa ni Guevarra kasunod ng pahayag ni Solicitor Ge­neral Jose Calida na dapat na pakinggan ang mga sasabihin ni Napoles tungkol sa scam at kung sinu-sino ang mga sangkot na go­vernment officials.

Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi naman ma­pipigilan ang pagsisiwalat ni Napoles kahit na tinanggal na ito sa WPP lalo pa’t inamin nito na wala namang banta sa kanyang buhay.

Una nang sinabi ni Calida na dapat pakinggan ang anumang nalalaman ni Napoles at pagkakasangkot ng mga government officials sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Si Napoles ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng maanomal­yang paggamit ng P10 billion pondo ng mga mambabatas noong 2013.

JANET LIM-NAPOLES MENARDO GUEVARRA WITNESS PROTECTION PROGRAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with